Cubao. Malapit sa isang estasyon ng mga bus na galing norte.
Isang matandang babae ang pumara sa aking taxi. May balabal na nakatali sa kanyang baywang at halatang galing sa biyahe. May dala din siyang isang bayong na parang puno ng gulay. Dahan-dahan ko siyang tinabihan at tinigilan. Nagsasalita siya pero di ko marinig dahil nakasara pa ang aking bintana. Ibinaba ko ito.
"Amang, pwede mo ba akong ihatid idiay Sampaloc?", malamlam kanyang mga mata habang bitbit ang kanyang bayong.
"Saan po doon?" ang tanong ko.Sa Galicia daw ang kanyang punta. Binabagtas na namin ang Aurora Boulevard nang nagsalita syang muli.
"Anak, 'wag mo akong ililigaw, hane! Alam ko ang pasikot-sikot dito sa Maynila. Ammok!"
Napanginti ako sa kanya. Tinangka kong linisin ang maling pagkakilala ng mga tao sa mga Taxi Drivers.
"Wag po kayong mag-alala, lola. Hindi po lahat nang mga Taxi Drivers ay gano'n para lang kumita."Nasa gate ng boarding house ang kaniyang anak nang dumating kami sa Galicia. Kumukuha pala ito ng Commerce sa UST. "Napakatalino ng anak kong 'yon, " pagbibida ng lola kanina.
Pagbaba ng matanda, inabutan pa nya ako ng dalawang piraso ng malalaking mangga.
"Salamat po, " bulalas ko.
Binagtas ko ang Quezon avenue papuntang Quiapo pagkatapos.
No comments:
Post a Comment